^

Probinsiya

Retiradong pulis namaril: Trader, 1 pa todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Retiradong pulis namaril: Trader, 1 pa todas
Dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hospital ang mga biktimang sina Luthgard Lacaden, 51-anyos, at George Guerzon, Jr., 38, obrero; kapwa residente ng Brgy. Concepcion, Cervantes, Ilocos Sur.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante at tauhan nito nang pagbabarilin ng isang retiradong pulis nitong Martes ng hapon sa Cervantes, Ilocos Sur.

Dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hospital ang mga biktimang sina Luthgard Lacaden, 51-anyos, at George Guerzon, Jr., 38, obrero; kapwa residente ng Brgy. Concepcion, Cervantes, Ilocos Sur.

Nahaharap naman sa kasong double murder ang suspek na si Roberto Urbano, retired PNP member at naninirahan sa nasabi ring lugar.

Sa ulat ni PCpl. Arneil Adaclog ng Cervantes Police Station, dakong alas-5:50 ng hapon, nagtungo ang suspek sa bahay ng mga biktima sa Brgy. Concepcion at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dalawa.

Hinabol din ng suspek ang misis ni Lacaden subalit mabilis na nakatakbo at nagtago sa isang kapitbahay.

Kasunod nito, hinanap ng suspek ang kanyang misis at nang hindi makita ay muli siyang nagpaputok ng baril sa loob ng bahay.

Agad na tumakas ang suspek subalit sa pakikipagnegosasyon ng Cervantes Police at RMFB102nd Man Coy ay sumuko rin. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaril.

vuukle comment

ILOCOS SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with