^

Probinsiya

LGBTQ+ member na missing, natagpuang tadtad ng bala

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay na nang matagpuan sa tabi ng puno ng cacao na may 300 metro ang layo sa kanilang bahay ang isang miyembro ng LGBTQ+ matapos siyang maiulat na isang araw nang nawawala kamakalawa sa Barangay Concepcion Palasan sa bayang ito.

Ang biktima na may mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay kinilalang si Carlo Hilado, 26, residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, noong Nobyembre 19, 2023 ganap na ala-1:00 ng hapon ay nagpaalam ang biktima sa kanyang mga kaanak na papasok na sa trabaho sa Waltermart sa Candelaria, Quezon subalit nakalipas na ang isang araw ay hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa matagpuan ang walang buhay at duguan nitong katawan sa damuhan.

Ayon kay PMaj. Romar Pacis, chief of police ng bayang ito, may posibilidad na iisa lang ang sangkot sa pamamaslang kay Hilado at sa isa ring miyembro ng LGBTQ+ na si Alvin Higa, 28, na binaril din at napatay ng ‘di kilalang salarin noong Nob. 11, 2023 sa Brgy. Lutucan Malabag ng nasabing bayan.

Sakay umano sa kanyang motorsiklo si Higa bandang alas-7:30 ng gabi at papasok na rin sa Waltermart sa Candelaria, Quezon nang harangin ng suspek saka pinaulanan ng punglo.

vuukle comment

LGBTQ+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with