^

Probinsiya

Architecture student nabagsakan ng pader, patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Architecture student nabagsakan ng pader, patay!
Dead-on-arrival sa Bataan General Hospital ang architecture student na si Jen Orviel Titulo, 20-anyos ng Bataan Peninsula State University at residente ng Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan nitong Lunes ng gabi.
STAR/File

Bus salpok sa mall transport terminal

MANILA, Philippines — Hindi na matutupad ng isang college student na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya matapos mamatay nang mabagsakan ng pader ng isang mall na binangga ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Bataan.

Dead-on-arrival sa Bataan General Hospital ang architecture student na si Jen Orviel Titulo, 20-anyos ng Bataan Peninsula State University at residente ng Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan nitong Lunes ng gabi.

Sugatan naman sa insidente ang dispat­cher ng bus na si Christopher Poblete ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan na nahulog mula sa nasabing sasakyan.

Sa inisyal report ni PLt. Col. Sonia Alvarez, hepe ng Balanga City Police Station kay Bataan Provincial Police Office director PCol. Palmer Tria, dakong alas-6:50 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa transport terminal ng isang mall sa Balanga, Bataan.

Sa imbestigasyon, naapakan umano ng driver ng bus na si Christopher Poblete, 57, ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan ang si­linyador ng bus at umabante. Bumangga ito sa pader na bumagsak sa biktima na noon ay nakapila at naghihintay ng bus patungong Mariveles.

Magsasagawa naman ng magkahiwalay na imbestigasyon ang City Engineering Office ng Balanga para ma­suri ang kalidad ng mga pasilidad sa naturang terminal. 

“Kung ano po ang magiging recommendation nila, to assess ‘yung integrity nga po ng facility, that will be our reference for further identification liable persons or entities regar­ding this case,” ayon kay PCpt. Buco.

Hinihintay pa ang opisyal na pahayag mula sa pamunuan ng mall kung saan nangyari ang insidente.

Mahaharap naman ang driver sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury, at damage to property.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with