^

Probinsiya

Coast guard na ‘coma’ ng 3-araw, patay na

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Coast guard na �coma� ng 3-araw, patay na
Ayon sa ulat, si Mori Caguay, 30-anyos, residente ng Bulanao, Tabuk City ay na-cotamose at idineklarang brain dead matapos na isugod sa isang ospital makaraang malunod umano habang nasa kalagitnaan ng kanilang Water Search and Rescue (Wasar) Training sa Kawit, Cavite.
STAR/File

Sa sea training sa Cavite

BAGUIO CITY, Philippines — Binawian na ng buhay nitong Lunes ng gabi ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard na tubong Tabuk City, Kalinga matapos na ma-comatose ng tatlong araw nang malunod sa sea training sa Kawit-Cavite.

Ayon sa ulat, si Mori Caguay, 30-anyos, residente ng Bulanao, Tabuk City ay na-cotamose at idineklarang brain dead matapos na isugod sa isang ospital makaraang malunod umano habang nasa kalagitnaan ng kanilang Water Search and Rescue (Wasar) Training sa Kawit, Cavite.

Naiulat na nawalan ng ulirat sa nasabing pagsasanay si Caguay noong Nobyembre 16, 2023 at opisyal na idineklarang patay alas-8:14 ng gabi nitong Lunes.

Sa video na inilabas online, ipinakikita ang walang malay na si Caguay sa dagat nang dalhin siya ng mga kasamahan sa bangka para subukang i-revive.

Dinala si Caguay sa ospital kung saan siya ay na-intubate. Nadiskubre ang blood clot sa kanyang utak at na-diagnosed na “brain dead”.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa insidente at bilang bahagi nito, 10 PCG personnel ang kanilang ni-relieved o sinibak.

Ang pamilya ng biktima ay humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang kaanak at iginiit na may kapabayaan ang mga opisyal ng PCG na nagresulta sa pagkamatay ni Caguay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with