^

Probinsiya

Ex-mayor sa Davao Oriental, patay sa ambush

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ex-mayor sa Davao Oriental, patay sa ambush
Patay na sa tabi ng driver’s seat ang dating alkalde ng Cateel, Davao Oriental na si Giselo Castillones nang datnan ng awtoridad makaraang tambangan kahapon ng umaga sa Davao City.
STAR / File

Driver, 1 pang kasama sugatan

MANILA, Philippines — Patay ang dating alkalde sa bayan ng Cateel, Davao Oriental makaraang pagbabarilin kahapon ng umaga sa Davao City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ex-Mayor Giselo Castillones habang isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang mga sugatang sina Alma Manliguez Lozentes, isang negosyante at driver na si Junie Castro.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang pamamaril dakong alas-10 ng umaga sa KM5 Buhangin, Davao City.

Nabatid na katatapos lamang kumain sa isang fast food chain si Castillones at dalawang nabanggit na kasama at nang sumakay na sila sa kotse ay saka sila nilapitan at pinagbabaril ng isa sa mga nakaabang na suspek gamit ang kalibre 45 na baril.

Agad tumakas ang gunman matapos makitang napuruhan ang dating mayor sakay sa naghihintay na motorsiklo.

Agad nagkasa ng hot pursuit operation ang otoridad laban sa mga suspek.

Si Castillones ay nagsilbing Mayor ng Cateel mula taong 1983-1986.

vuukle comment

DAVAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with