^

Probinsiya

2 sekyu ng iskul inutas habang naka-duty

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 sekyu ng iskul inutas habang naka-duty
Dead-on-the-spot ang mga biktima na nakilalang sina Marlon Pilinio at Ron Aldrin Siosa, kapwa nasa hustong gulang, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Tadtad ng mga tama ng bala sa katawan ang dalawang security guard ng Adventist University of the Philippines (AUP) matapos silang pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek habang kapwa naka-duty sa nasabing paaralan na sakop ng Barangay Putting Kahoy, bayan ng Silang, dito sa lalawigan.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na nakilalang sina Marlon Pilinio at Ron Aldrin Siosa, kapwa nasa hustong gulang, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, hindi naman nakilala ang salarin na sakay ng scooter na mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:30 ng madaling araw, habang kapwa naka-duty ang mga biktima sa main gate ng nasabing eskwelahan nang dumating­ ang armadong suspek na sakay ng motorsiklo. Tinapatan nito ang mga biktima at sunud-sunod na pinagbabaril.

Ayon kay Vice Major Edward “Ted” Carranza, “crime of passion” ang lumalabas na motibo sa nasabing krimen. May posibilidad umano na ang isa sa security guard ang target lang ng salarin at nadamay lamang ang kasama nito.

vuukle comment

ADVENTIST UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with