^

Metro

Buhok, dugo sa pulang SUV sa missing beauty queen - CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Buhok, dugo sa pulang SUV sa missing beauty queen - CIDG
Ang inabandonang Honda CRV na pinagsakyan ng tatlong armadong lalaki sa beauty queen finalist na si Catherine Camilon na hanggang ngayon ay na-wawala.
Ed Amoroso

Resulta ng DNA

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon ang mga hibla ng  buhok at dugo na nakuha sa  abandonadong SUV,  kamakailan sa  Brgy. Dumuclay, Batangas City.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Romeo Caramat, Jr., nag-match sa DNA profile ng  mga magulang ni Camilon ang dugo at buhok na nakita sa naturang sasakyan na indikasyon na nagsasabi ng totoo ang dalawang saksi tungkol sa nakita nilang babae na duguan na inilipat sa nasabing pulang SUV.

“’Yung mga witness natin ay ‘di nagsisinu­ngaling. There is a corroborative evidence na talagang nakita nilang babae na binubuhat ng mga suspek natin ay certainly si Ms. Camilon,” ani Caramat.

Dahil dito, mas bumigat aniya ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban kina PMajor Allan de Castro na umaming mayroon silang “illicit relationship” ng beauty queen; driver-bodyguard nito na si Jeffrey Magpantay at dalawang “John Does.”

Samantala, sinusubukan din ng PNP Forensic Team na makakuha ng fingerprints upang i-match sa mga suspek.

Nag-alok na ng ?250,000 na pabuya sina Batangas Vice Governor Mark Leviste, Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission at ang business sector para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng beauty queen.

Oktubre 12 pa nang mapaulat na nawawala si Camilon.

Umaasa naman ang pamilya ni Camilon na buhay pa ito.

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with