^

Bansa

17 Pinoy, hostage ng Yemen rebels sa Red Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
17 Pinoy, hostage ng Yemen rebels sa Red Sea
Ang Vietnamese cargo na lumubog sa karagatan ng Palawan nitong Martes. Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 tripulante na sakay nito. Lulan ng barko ang nasa 4,000 tonelada ng bigas mula sa Ho Chi Minh City, Vietnam at patungo ng Cagayan de Oro City nang maganap ang insidente.

MANILA, Philippines — Hawak ngayon ng mga teroristang Houthis ng Yemen ang 17 Filipino seafarers na kabilang sa mga hostage mula sa cargo ship sa southern Red Sea.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) undersecretary Eduardo de Vega, kasama sa hinostage na 17 Filipino ay ang iba’t ibang dayuhan.

Paliwanag ni De Vega, bagama’t hindi ito ang unang pagkakataon na may nabihag na mga Pinoy sa ibang bansa kaya nababahala sila at pinagtutuunan ito ng gobyerno ngayon dahil mayroon itong kinalaman sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Lumalabas sa ulat na tinarget ang barko dahil ito ay pag-aari ng isang Israeli bagama’t Japanese ang kumpanya.

Pinanghahawakan na lang umano nila ang pahayag ng hostage takers na walang dayuhang hostages ang masasaktan.

Makikipagpulong din umano sa Malakanyang ang DFA para pag-usapan ang nasabing sitwasyon.

Inatasan na rin umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DFA na gawin ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy na hostage sa Red Sea.

vuukle comment

YEMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with