^

Bansa

PCSO nangako sa patuloy na pagpapabuti ng mamamayang Pilipino

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PCSO nangako sa patuloy na pagpapabuti ng mamamayang Pilipino
Ginawa ni Cua ang pahayag matapos purihin kamakailan ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang kanilang ahensya para sa markadong pagpapabuti sa pagkamit ng kanilang Performance Scorecard target sa 2022.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nangako si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie Cua na ipagpapatuloy ang mithiin na lalo pang mapabuti ang kanilang ahensiya upang mas mapagsilbihan ang mamamayang Pilipino.

Ginawa ni Cua ang pahayag matapos purihin kamakailan ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang kanilang ahensya para sa markadong pagpapabuti sa pagkamit ng kanilang Performance Scorecard target sa 2022.

“Kami sa PCSO ay hindi kuntento sa status quo. We strive for continued improvement para mas mapaglingkuran natin ang sambayanan,” saad ni Cua.

Sa pagdiriwang ng ika-89 na anibersaryo ng pagkakatatag ng PCSO noong Oktubre 27, sinabi ni GCG Chairperson Atty. Marius Corpus ang itinampok na pambihirang pagganap ng ahensya noong nakaraang taon.

“The PCSO was able to pay 100% of the mandatory contributions required by law to all recipient agencies and remit a total amount of PHP 4.75 billion,” ani Corpus.

Anya, ang PCSO ay nag-ulat ng validated Performance Scorecard rating na 92.03 percent noong 2022, na isang markadong pagtaas mula sa dating 56.30 percent rating nito.

Pinuri rin ni Corpus ang pamunuan ng PCSO, dahil sinabi niya na inaasahan niya ang “steady improvement” dahil sa “forward-looking leadership of Chairperson Cua at General Manager [Melquiades] Robles.”

“I am humbled by this recognition. Pero hindi natin makakamit ang mga ito kung wala ang lahat ng staff na pursigido sa paglingkod sa ating mga kababayan,” ayon kay Cua.

Nagpasalamat din si Cua sa iba pang ahensya ng gobyerno at oversight body para sa kanilang napakahalagang suporta at sa kapaligirang nagbibigay-daan sa PCSO na umunlad.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with