^

Bansa

Paglobo ng HIV sa tinedyer, ikinabahala ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nababahala si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa ulat na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, partikular sa mga kabataan.

Matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Davao City, binigyang-diin ni Go na kailangan na ng komprehensibo at multi-disciplinary approach upang matugunan ang lumolobong krisis sa kalusugan.

“Unang-una, nakababahala ito. Tumataas na naman ang bilang ng kaso ng HIV cases. Bilang chairman po ng committee on health ay tututukan natin ito,” ani Go.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa sex, teenage pregnancy, iligal na droga, at alkoholismo bilang pangunahing hakbang sa pagtugon sa isyung ito.

Napakahalaga ani Go ng papel ng disiplina at kamalayan sa paglaban sa pagkalat ng HIV.

“Disiplina talaga ang kailangan dito. Eto ‘yung bagay na masyadong tinatago ng kahit sinuman. Importante dito ‘yung education campaign… ‘wag lang po basta-basta. Dapat multi-disciplinary ang ating approach dito,” dagdag niya.

Ipinunto ng senador na dapat tratuhin ang HIV bilang kapwa health and behavioral concern. Binanggit niya na may mahalagang papel dito ang mga programa ng Department of Health (DOH), kabilang ang mga ospital at Regional Specialty Centers na nakatuon sa mga nakahahawang sakit.

Matatandaang si Go ang pangunahing nag-sponsor at isa sa may-akda ng Republic Act 11959, na kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act, na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Agosto 24.

Binanggit din niya ang kritikal na papel ng Malasakit Centers sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng HIV. Hinikayat niya ang mga biktima na humingi ng tulong sa mga sentrong ito.

vuukle comment

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with