^

Bansa

Nagbago ng isip, solons nais nang makipagtulungan ang Pinas sa ICC probe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa tila pagbabago ng ihip ng hangin, nais na ng mayorya ng mga mambabatas sa Kamara na maki­pagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war sa bansa.

Sinabi ito ni Liberal Party President at Albay Rep. Edcel Lagman sa pagdalo nito sa pagdinig ng House Committee on Justice sa resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na huwag ng tutulan ang ICC probe.

“Palagay ko may mga pagpapalit sa mga pananaw ng majority na talagang kailangan na sundin natin ang rule of law at yung world order, kailangan mag-cooperate fully ang ating bansa sa imbestigasyon ng prosecutors ng ICC,” anang solon.

Nang matanong naman kung ano ang dahilan sa biglang pagbabago ng desisyon ng mga Kongresista sinabi ni Lagman na bahala ng humusga ang mga nagtatanong ukol dito.

Noong Marso 2018 ay inutos ni dating Pangulong Ro­drigo Duterte ang pag-atras ng Pilipinas sa Rome Stature na lumikha sa ICC. Ang hakbang ay matapos namang ianunsyo ni ICC Prosecutor Fatou Bensoua na sisimulan niya ang preliminary investigation laban sa pamahalaang Duterte kaugnay sa mga reklamo ng madugong giyera kontra droga simula noong 2016 sa pag-upo nito sa puwesto.

Sa tala ng PNP, mahigit 6,000 ang nasawi sa drug war pero sa hanay ng mga human rights advocates ay umaabot umano ito sa mahigit 30,000.

Nitong Miyerkules ay gumulong na ang pagdinig sa House Resolution (HR) Nos. 1393 at 1477 na kapwa hinihiling sa gobyerno na makipagkooperasyon sa ICC probe.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with