^

PSN Showbiz

Yasmien, matagal inilihim ang baby no. 2!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, matagal inilihim ang baby no. 2!
Yasmien Kurdi at Pamilya

In-announce na ni Yasmien Kurdi sa kanyang social media account ang kanyang pagbubuntis.

Pagkatapos sa taping ng The Missing Husband, ipinagtapat na niya sa akin na buntis siya.

Ayaw lang niyang ipasulat dahil masyado pa raw maaga. HIntayin daw muna niyang matapos ang first term para sure na sure na raw.

Kaya nung Lunes ng gabi lang niya ipinost na magkakaroon na naman daw sila ng Dragon baby sa 2024. “We’ve been keeping a little secret for awhile #BabyNo2 this  2024! The 3rd Dragon in the family (heart emoji).”

Inilahad niyang Year of the Dragon siya, Jan. 25, 1989. Siya raw ang Mother Dragon.

Ang anak nilang si Ayesha Zara ay Year of the Dragon din, Nov. 22, 2012. Kaya excited daw siya sa pangatlong dragon baby sa pamilya nila.

Sabi ni Yasmien, four months na raw ang ipinagbubuntis niya at nagpapasalamat siya dahil hindi naman daw siya gaanong nahirapan kung ikumpara sa panganay niyang anak na si Ayesha.

Ang trip lang daw niya ngayon ay madalas nagkukulong daw siya sa kuwarto.

Ang pinaglihian daw niya sa first trimester niya ay ang pakwan na pulang-pula at mahilig daw siya sa malamig.

Hindi pa raw niya alam kung baby boy o girl ito.

Hindi naman daw nila pinag-uusapan ng asawa niyang si Rey Soldevilla kung ano ang type nilang gender. Basta ang importante raw, healthy ito.

Kahit ang anak nilang si Ayesha ay excited din daw sa paglabas ng kapatid at ang gusto lang daw ni Ayesha ay gagawin daw niyang model ang magiging kapatid.

Nagku-crochet pala ang anak ni Yasmien at pinagkakakitaan na raw niya ito dahil nakakabenta raw ito sa school nila at neighbors. 

Nilinaw naman ng Kapuso actress na natapos niya ang taping ng The Missing Husband bago siya nagpahinga nang nalaman niyang buntis siya.

Rey Valera, magbebenta ng libro sa ibang bansa

Sunud-sunod ang shows ni Rey Valera, hindi lang dito kundi pati sa ibang bansa.

‘Yun ang isa sa iniisip niya kapag mag-show siya sa Amerika, paano raw kaya kung magbenta raw siya roon ng ginawa niyang libro.

Natapos na kasi ni Rey Valera ang libro niya na kung saan doon pinagbasehan ang kuwento ng pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Rey Valera Story na dinirek ni Joven Tan.
Hindi pa raw nai-print kasi iniisip pa raw niya kung hard copy o gagawing e-book.

Pero sinasabi namin sa kanya na mas maganda talaga ‘yung hard copy na pinipirmahan niya sa book launch. “’Pag talagang book, mas kikita ako dun ‘di ba? Kaya lang iniisip ko, papano ko ‘to dadalhin sa America para ibenta?

“Pero ang ganda sana ng ano na ‘yun? Dun ibinase ‘yung sa pelikula e,” pakli ni Rey nang sandali naming nakatsikahan sa nakaraang mediacon ng 20th anniversary concert ng Hitmakers.

Ang isa pang nauuso ngayon ay ang ginagawang musical play na base sa music icons, kagaya ng Apo Hiking Society, pati ang Aegis, at ngayon ay binubuo na ang kay Ogie Alcasid.

Bagay na bagay sana doon ang mga sikat na awiting ni Rey Valera.

Okay naman daw siya roon, pero dapat alam daw ng producer kung paano ito ibenta dahil sa tingin niya hindi ito pang-masa.

May ginawa raw siyang concert noon na pinamagatang Istorya ni Rey Valera. Puwede raw doon ayusin at gawin nang isang musical play.

May mga bago pa raw siyang mga nagawang kanta na una nilang kakantahin sa nalalapit nilang concert, ang Hitmakers XXceptional na 20th anniversary concert nila na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa Dec. 1.

Kasama niya rito sina Marco Sison, Hajji Alejandro at Nonoy Zuñiga na kung saan special guest nila si Pops Fernandez na siya ring producer ng naturang concert.

vuukle comment

ACTRESS

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with