^

PSN Showbiz

Atasha, handang sumabak sa beauty pageant

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Atasha, handang sumabak sa beauty pageant
Atasha Muhlach
STAR / File

MANILA, Philippines — July nitong taon lamang nakapagtapos ng kolehiyo si Atasha Muhlach sa United Kingdom.

Pagkalipas ng dalawang buwan ay tuluyan nang sumabak sa show business ang anak nina Aga at Charlene Muhlach. Ipinakilala si Atasha bilang pinakabagong host ng E.A.T. na napapanood sa TV5 araw-araw. “It’s a fun experience and I’m really happy that people are embracing me now. I hope they continue to embrace me and I just really want to learn more. I’m willing to learn and make mistakes. And I’m just happy that people are very forgiving about it,” bungad ni Atasha.

Bilang baguhan pa lamang sa entertainment industry ay mayroon daw payo sa dalaga ang mga magulang. “Don’t be scared and to always give it your best,” kwento niya.

Marami ring humihikayat kay Atasha na sumali sa mga beauty competition.

Matatandaan na ang inang si Charlene ang nakoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe at pumasok sa finalist ng Miss Universe noong 1994. “I’m not gonna close my doors. I’m learning this process of being an artist first. I want to develop those skills, but we’ll see where it goes. I really look up to my mother. She’s someone that I really praise. I don’t know yet, we’ll see. I just need to master my craft now, hosting and eventually acting, singing,” pagtatapat ng dalaga.

Maricel, ‘di natanggihan ang matalik na kaibigan

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang huling nagkasama sa isang proyekto sina Maricel Soriano at Roderick Paulate.

Ngayon ay muling magbibida ang matalik na magkaibigan kasama ni LA Santos sa pelikulang In His Mother’s Eyes. Mapapanood na sa mga sinehan simula Nov. 29 ang naturang proyekto. Isang malaking karangalan para kay Roderick na muling makasama sa isang makabuluhang pelikula ang Diamond Star. “Iba pa rin ang excitement ko na makasama ulit si Marya. Nagkikita kami sa mga parties, nagkikita kami sa mga production, but then, ‘di pa kami ulit nagkakasama at iba na ngayon. Iba ‘yung edad namin noon. Noong nag-pre­sent sila, umoo talaga ako because ang ganda-ganda ng istorya. At my God, paano ka naman makakahindi, walang kaplastikan ‘to. It’s an honor again to work with the Diamond Star, Maricel Soriano,” nakangiting pahayag ni Roderick.

Sa apat na dekadang nakalipas ay nagkakaroon din ng mga hindi pagkakaunawaan sina Roderick at Maricel. Ayon naman sa Diamond Star ay agad din nilang naaayos ang gusot sa pagitan nila ng kaibigan. “Hindi kasi nagtatagal away namin ni Dick. In minutes tapos na. parang ano lang, nagpunta ka lang sa dentist. Kaming dalawa kasi, ‘pag nagbukas ako kay Dick, makikinig ‘yan, ‘di nakakalimutan niyan. Siya rin magbubukas sa akin, ‘di ko makakalimutan rin. So how can you get mad at one person?” pagbabahagi ni Maricel. (Reports from JCC)

vuukle comment

ATASHA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with