Ruffa may pakiusap sa mga marites; Sarah nakababad sa dagat
MANILA, Philippines — Nakiusap si Ruffa Gutierrez sa mga Marites sa kanyang post sa binyag ng pamangking si Althea: “Sa mga Marites, please limit your comments and make it about Athena. Thank you,” sabi Ruffa sa mga naghahanap kay Sarah Lahbati sa post kung saan nga kumpleto ang kanilang pamilya.
Binyag ‘yun ng anak ni Rocky Gutierrez, bunso nila Ruffa. “Happy Christening to the cutest, happiest and super energetic Maria Athena Gutierrez. I am honored to be your Ninang and can’t wait to see what the future has in store for you. Congratulations to the proud parents, Rocky & Shams.”
Ito ang second family gathering ng mga Gutierrez na wala si Sarah though andun ang anak nila ni Richard na dalawa – Zion and Kai.
Wala na rin si Sarah sa nakaraang birthday ni tita Annabelle Rama. Solo noon si Richard.
Lately ay pulos beach ang pictorial ni Sarah kaya may mga nagtatanong na kung gusto na rin ba nitong maging katulad ni Andi Eigenmann na certified island girl.
Isa sa mga last post niya ay “Incredibly proud of Zion for conquering his first scuba dive in the open water, guided by my amazing dad as his instructor. Celebrating milestones and making unforgettable memories.”
- Latest