^

PSN Showbiz

Heart, namatayan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, namatayan!
Heart at Yogi

MANILA, Philippines — Nakakalungkot naman ang nangyari kay Heart Evangelista na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang alagang aso.

Kasalukuyan kasing nagluluksa ang International fashion icon at misis ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang German Shepherd na pinangalanan niyang Yogi Bear.

Binigyan niya ito ng tribute sa pamamagitan ng pag-post niya ng mga litrato ng kanyang alagang aso at photos nilang magkasama na mula pa noon ay kasama na pala niya.

At ramdam ko ang lungkot ni Heart dahil hindi talaga biro ang mamatayan ng alaga.

Caption niya, “One of the best dogs anyone could have.”

Siguradong hindi lang siya ang nalulungkot kundi pati na ang mga anak ni Sen. Chiz dahil kalaro rin pala ito ni Quino na isa sa anak ng Senador.

Ngayon pa lang ay miss na miss na niya ito base sa mga post niya.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot ni Heart dahil sa alaga kong si Jokjok na hindi ko rin kayang mapahiwalay at mawala sa akin.

Lagi ko sinasabi na kung sakaling mauna ako kay Jokjok, na paborito kong aso, ay sana patulugin na lang siya at isama sa cremation ko dahil matanda na rin naman siya para magkasama na lang kami.

Siguradong hindi lang ako ang naka-relate kay Heart kundi marami pang fur parents ang nalungkot din para sa content creator.

Bukod kay Yogi Bear ay meron pang apat na aso si Heart.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with