^

PSN Showbiz

Sarah at Matteo, gumawa ng baby sa Europe?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Matteo, gumawa ng baby sa Europe?!
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Ang bongga naman ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na nanggaling sa Europe.

Binisita nila ang mga tourist spot sa Italy at Spain pati na ang Rome, Amalfi Coast, Napoli, Madrid, at San Sebastian.

Ibinahagi ng Penduko star ang mga litrato nila ng misis sa kanilang Europe trip. “It was another beautiful experience driving from Rome to Amalfi and down to Napoli. We then flew to Madrid and drove to San Sebastian and back,” ang post ni Matteo.

Halatang enjoy na enjoy sila sa kanilang bakasyon at siguradong na-relax sila doon dahil deserve talaga nila ang pahinga na iyon.

Dagdag pa ng aktor meron siyang napakagandang navigator at photographer at nag-enjoy sa pagda-drive, “I love driving and it’s best when you’ve got the most beautiful navigator/photographer.”

At totoo ngang magaling ang kanyang photographer dahil ang gaganda ng kuha niya. Bukod pa doon siguradong nag-enjoy rin ang mga tagahanga niya sa pagtingin ng litrato nila dahil ang gaganda ng mga lugar na pinasyalan nila doon.

Humihirit pa nga ang fans ng vlog ng kanilang pamamasyal. Siguradong sabik at naghihintay na rin ang fans nila kung nakagawa na ba sila ng baby sa nasabing bakasyon.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with