^

PSN Opinyon

Pansamantalang nakalaya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang halos pitong taong pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima, pinayagan na siya ni Muntinlupa City Regional Trial Court Judge Gener M. Gito na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya habang patuloy ang huling kaso laban sa kanya. Dalawang kaso ang ibinasura na ng mga korte. Isa noong 2021 at isa ngayong taon.

Ikinulong si De Lima noong 2017 sa ilalim ng adminis­trasyon ni dating President Duterte. Hindi natuwa si Duterte sa pag-imbestiga ni De Lima sa mga tinatawag na Davao Death Squads noong mayor siya roon. May kinalaman kaya iyon sa pagkakulong ni De Lima? Tiyak ko, ma­raming makasasagot sa tanong na ‘yan.

Matagal nang itinanggi ni De Lima ang mga paratang sa kanya na naging sanhi ng kanyang pagkaaresto at kulong. Napakaraming tumestigo laban sa kanya, kabilang ang mga high-profile na bilanggo sa Bilibid. Mga kilalang drug lord na nakapagpatuloy ng kanilang kriminal na aktibi­dad sa loob ng kulungan.

Tumestigo rin laban sa kanya si Ronnie Dayan, ang sinasabing karelasyon ni De Lima. Marami ang nagsabi noon na mukhang may kapalit ang mga tumestigo laban kay De Lima. Pero noong mga panahong iyon, isang boses­ lamang ang pinakinggan ng lahat.

Isang kaso na lang ang hinaharap ni De Lima. Nga­yong pansamantalang nakalaya matapos ang halos pitong taon, matutugunan na nang maayos ang kanyang kaso. Kung dalawa sa mga kasong iyon ang ibinasura na, hindi malayong isipin na baka ganundin ang huling kaso. Pero hayaan na natin ang korteng magpasya niyan. Para sa mga kaalyado at tagasuporta ni De Lima, malaking tagumpay na ito.

Ano naman kaya ang iniisip ni ex-President Duterte? Masaya ba siya at umaandar ang sistema ng hustisya sa bansa? O iba ang nararamdaman? Magagalit din ba siya sa hukuman tulad ng galit niya sa Kongreso nang tanggalin ang mga sekretong pondo ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte? Tawagin din kaya niyang “most rotten institution in the country?”

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with