^

PSN Opinyon

WPS issue kumplikado

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA kay President Ferdinand Marcos Jr., kailangang paigtingin ang partnership ng Pilipinas at United States upang payapain ang tensiyon sa West Philippine Sea dulot ng militarisasyon na ginagawa ng China. Bakit kailangan pang paigtingin gayung mayroon naman tayong umiiral na Mutual Defense Treaty sa U.S. na umiiral  sa loob nang maraming dekada? Hindi ba awtomatikong dapat sasaklolo ang U.S. kapag may nagtatangkang sakupin ang ano mang bahagi ng lupain o karagatan ng Pilipinas? May ganoon ngang probisyon ang tratado.

Katunayan, sa mga digmaang inilunsad ng U.S. noong araw sa Korea at Vietnam, nagpadala tayo ng mga sundalo para tulungan ang mga Kano sa pakikidigma. Ito’y bilang pagsunod sa nilalaman ng treaty.

Matagal nang binu-bully ng China ang mga ma­ngingisdang Pinoy, at pati na ang mga barkong militar na pagpapatrulya sa karagatang sakop ng ating exclusive economic zone. Puro pagkondena lang ang naririnig natin sa bibig ng U.S. Walang indikasyong tutulong ito upang bakahin ang ganitong ginagawa ng China. Bakit?

Nagbabago kasi ang geopolitical situation sa daigdig. Kung noong araw ay mahirap at mahinang bansa ang China, ngayo’y nagbago ang sitwasyon. Maituturing na itong economic power  at nangungunang trading partner ng U.S. Paano nito lalabanan ang bansang bumubuhay sa economy nito? Ang kalakalan ng U.S. sa China sa serbisyo at mga produkto  ay umabot sa mahigit sa $758 bilyon noong nakaraang taon. Ang eksportasyon ay umabot sa $195 bilyon at ang importasyon ay mahigit $562 bilyon.

Natural lang na manimbang  sa kanyang aksyon ang U.S. dahil ang anumang pakikidigma sa China ay malaking dagok sa ekonomiya nito. Ibig sabihin, mas maingat ngayon ang kilos ng U.S. dahil may interes din itong inaalagaan sa China.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with