^

PSN Opinyon

Nasaan ang police presence?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay PNP chief General Benjamin Acorda Jr., sampal sa kanilang mukha ang mga nagaganap na patayan sa bansa. Ito ay matapos ang pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon dalawang linggo na ang nakararaan. Pinatay si Jumalon habang nagpoprograma sa radyo. Sinundan naman ito ng pagpatay sa isang babae at kanyang kinakasama sa loob ng bus. Kuha sa CCTV ng bus ang pagtayo ng dalawang lalaki, pagbunot ng baril at pinagbabaril ang dalawa. Pagkatapos, pinara ang bus at bumaba ang dalawang killers na parang walang nangyari.

Natawa ako sa pahayag ng PNP na bumaba ng walong porsyento ang bilang ng krimen sa bansa. Pero tumataas naman ang bilang ng homicide. Hindi ito maganda para sa imahe ng bansa at hindi rin nagbibigay ng peace of mind sa mamamayan. Nakapagtataka nga kung bakit tila walang e­pekto ang election gun ban kung may mga ganitong patayan. Tama nga ang sinasabi ng iba ng kung talagang magaganap ang pagpatay ay walang epekto ang gun ban sa kriminal.

Hindi ko rin mantindihan kung bakit pinatawag pa ng PNP ang kompanya ng bus na pinangyarihan ng krimen. Nakita sa CCTV na sumakay ang dalawang kriminal sa dalawang magkaibang lugar. Wala pa yata akong nakitang kompanya ng bus na kumakapkap ng mga pasaherong sumasakay ng bus kaya paano malalaman kung may dalang baril? Mas sang-ayon ako sa pahayag ni Acorda na ibabalik ang bus marshalls sa mga bus. Kulang ang police presence hindi lang sa Metro Manila kundi sa probinsiya man. Nakakakita pa ba kayo ng mga pulis na naka-motorsiklo na nagpapatrol sa lansangan? Tila nakikita ko lang mga iyan kapag may escort na “VIP”. Nakakakita pa ba kayo ng mga pulis na naglalakad para mag-patrol?

Tumaas nang husto ang patayan noong nakaraang administrasyon. Hindi nakapagtataka dahil ang nakaraang Presidente ay puro patay ang bukambibig. Tila naging normal ang patayan. Ngayon, mukhang nagpapatuloy. Kailangang matukoy ito ng PNP. Mas lalo na kung pulis mismo ang sangkot. Hindi pa natatagpuan si Catherine Camilon pero kinasuhan na si Police Major Allan Avena de Castro at tatlo pang tao na maaaring may kaugnayan sa pagkawala ng beauty queen. Inamin na ni De Castro na may relasyon sila ni Camilon pero hanggang doon lang. Tumugma ang ginawang DNA testing sa magulang ni Camilon sa mga nakuhang bakas ng dugo at buhok sa pulang van. Mga ganitong krimen ang dapat matukoy ng PNP dahil sa posibilidad na hindi aaksyunan dahil pulis ang sangkot. Sana mas magkaroon ng police presence sa lansangan para maging hadlang sa kaganapan ng krimen. Sana.  

vuukle comment

CCTV

CRIME

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with