^

Pang Movies

Yasmien, nag-flex ng 2nd baby!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yasmien, nag-flex ng 2nd baby!            

Nagdadalang-tao si Yasmien Kurdi sa 2nd baby nila ng mister na si Rey Soldevilla, Jr.

Ang aktres mismo ang proud na nag-anunsyo nito sa kanyang Instagram page.

Nag-post si Yas ng mga larawan nilang mag-anak kasama ang sonogram ng kanyang ipinagbubuntis na baby at iflinex din niya ang kanyang baby bump.

“We’ve been keeping a little secret for awhile #BabyNo2 this 2024! The 3rd Dragon in the family,” caption ni Yasmien.

Year of The Dragon ang 2024 at ito rin daw ang Chinese Zodiac nila ng panganay na anak na si Ayesha kaya naman masaya ang aktres na tatlo na silang “dragon” sa pamilya.

“Can’t wait to see you next year,” mensahe pa ni Yasmien sa kanyang baby na ipinagbubuntis

May ibinahagi ring larawan ang aktres ng isang stuff toy na may naka-print na ‘big brother’ na tila sinasabi niyang boy ang kanilang 2nd baby.

Congratulations, Yasmien!

Jessy, pumalag sa fan na magnanakaw ng content

Nakiusap si Jessy Mendiola sa administrator ng fan page ng anak niyang si Isabella Rose or baby Peanut na huwag namang nakawin ang content ng kanyang vlogs.

Ipinost ni Jessy sa kanyang Facebook page ang screenshot ng FB fan page ni baby Peanut na “Isabella Rose Manzano Fanpage TV” na ayon sa aktres ay wala silang kinalaman.

“We really appreciate the support of this “fan page,” but it’s kind of disappointing that this “fan page” keeps stealing content from my Youtube vlogs,” simula ni Jessy.

Ang nakakaloka, ibinlock daw siya ng fan page nang sabihan niya na i-share na lang nila ang link ng vlog niya at ‘wag nakawin.

“This ‘fan page’ even blocked me when I requested that they just share the links of our Youtube vlogs. We spend time and effort to come up with content plus hours of editing, too. Sana naman, if you are really a fan of my daughter/family you respect our simple request.

“I even commented in one of their posts, this is what I said – ‘Hi po thank you for supporting our family, but sana po do not steal snippets from my vlog. A simple share ng link would be much better. we spend hours editing our vlogs and content, sana po wag lang yung mag-grab and post as own. Salamat!’

“But ang ending, they blocked me. I find it weird that you would block the mother of the child na sinasabi niyong ‘fans’ kayo,” pahayag ni Jessy.

Marami ang nagkomento na ini-report na nila ang nasabing account at mukhang nagawan na ng aksyon ng FB dahil hindi na namin ito makita.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with