^

PM Sports

Unang salang ng SMB sa Commish Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kikilatisin ng San Mi­guel ang dati sanang import nito na si Thomas Robinson na nasa panig ng NLEX sa kanilang pagtutuos sa 2023 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Aarangkada ang duwelo ngayong alas-8 ng gabi bilang unang salang ng Beermen kontra sa Road Warriors na sabik ma­kaganti matapos pu­mal­ya sa Phoenix Fuel Mas­ters, 101-113.

Sa unang laro, magpapambuno ang Blackwater (1-1) at Terrafirma (0-1) sa alas-4 ng hapon.

Subalit ang atensyon ay nasa bangaan ng Beermen at Road Warriors, ka­sama ang NBA veteran na si Robinson.

Matatandaang si Ro­binson, No. 5 overall pick sa 2012 NBA Rookie Draft, ang siya sanang mag­sisilbing import ng SMB sa 2022 PBA Commissioner’s Cup bago na­dale ng injury.

Napurnada ang tam­ba­lan ng dalawa bago ma­punta sa NLEX ang pam­batong reinforcement na nagpasiklab sa 26 points, 6 rebounds, 3 assists, 4 steals at 4 blocks sa unang salang kontra sa Phoenix.

Makakatapat ni Ro­bin­son si Ivan Aska na pu­malit kay Tyler Stone bilang import ng SMB.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with