^

Dr. Love

Trabaho o anak?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinapayuhan po ako ng pastor namin na magtrabaho dahil tapos naman ako ng accountancy.

Nalaman kasi niya na marami akong inutangan sa mga kapatiran na hindi ko pa nababayaran.

Isa lamang sikyu ang mister ko at kulang na kulang ang suweldo niya kaya napilitan akong mangutang sa mga churchmate ko,  kaya hindi maganda ang reputasyon ko dahil nahihirapan akong magbayad ng utang.

Sabi ng pastor namin, nangangailangan ng accountant ang kaibigan niyang negosyante. Gusto ko pong magtrabaho pero may dalawa akong anak na five years old at seven years old. Wala akong mapag-iiwanan sa kanila.

Nag-alok si pastor na iwanan ko sa kanila ang dalawa kong anak, tutal malapit lang sila sa eskuwelahang pinapasukan ng isa kong anak.

Kaso mas gusto ko po na ako mismo ang magpalaki at dumisiplina sa aking mga anak. Ano ang dapat kong gawin?

Asing

Dear Asing,

Maganda nga sana kung ang ina ang mag-aalaga sa sari-ling mga anak. Pero paano mo gagawin iyan?

Ang solusyon na nakikita ko ay magbukas ka ng maliit na tindahan sa bahay ninyo para maalagaan  mo ang dalawa mong anak habang kumikita ka ng kaunting pandagdag sa inyong family income.

Puwede mo ring tanggapin ang alok ng inyong pastor na ilagak sa kanila ang dalawa mong anak habang ikaw ay nasa trabaho.

Makatitiyak ka na nasa mabuting kamay ang iyong mga anak dahil pastor pa ang magiging tagapangalaga nila.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with