^

Metro

SUV driver na sadyang binangga ang Angkas rider, kakasuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsasampa ng reklamo ang Ride Hailing Company na Angkas laban sa isang SUV driver na bumangga umano sa kanilang rider dahilan para masugatan ito at sakay nito.

Ito ay sinabi ni Angkas CEO George Royeca makaraang mahuli ng mga pulis Mandaluyong ang driver ng SUV van na may Plate number NEM 7804 na si Pedro N. Magalit.

Una nang nag-viral ang insidente na naka-post sa social media na nagpapakitang sadyang binangga ng naturang SUV ang motorsiklo ng Angkas rider na nangyari kahapon ng umaga sa bahagi ng EDSA Santolan sa Mandaluyong City.

Ayon kay Royeca, sinasabing binabaybay ng ­Angkas rider ang kahabaan ng EDSA Southbound nang bigla itong banggain ng kulay orange na Suzuki XL7 na may plakang NEM 7804.

Sa video, nakitang nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng rider at ng driver ng SUV hanggang sa banggain ng huli ang motorsiklo ng una dahilan upang tumilapon ang rider at ang pasahero nito.

Sinabi ni EPD Director Wilson Asueta na nasa kanilang custody na ang naturang SUV driver at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with