^

PSN Palaro

Simula na ang giyera sa semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Basilan vs Bacoor; Davao kontra Zamboanga

MANILA, Philippines — Haharapin ng top seed Davao Occidental ang No. 5 seed Zamboanga habang magtatagpo naman ang second seed Bacoor Strikers at third seed Basilan Steel ngayon sa Game 1 ng best-of-three semifinal series ng Southern Division sa 2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Paborito ang Davao kontra sa Zamboanga sa kanilang laban sa alas-9 ng gabi bunga ng kanilang malawak na karanasan  kung saan winalis nila ang Bacoor, 2-0, sa semis ng nakaraang Datu Cup.

Magtatagisan naman ang Bacoor at Basilan sa alas-7 ng gabi.

Hawak ng Davao ang homecourt advantage bilang top seeded team sa South group kaya malaking bagay para sa Tigers na ipakita sa kanilang mga taga-suporta ang muling pag-akyat sa kampeonato.

Hindi pa tiyak kung maglalaro si Mark Yee dahil sa partial ACL tear sa kanang tuhod, ngunit inaasahan naman ni head coach Don Dulay na mag-step up ang kanyang mga bataan gaya nina Chester Saldua, Bonbon Custodio, Emman Calo, June Kenneth Mocon, Billy Robles at Jerwin Gaco.

vuukle comment

BACOOR STRIKERS

BASILAN STEEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with