^

Police Metro

Seguridad sa mga bus terminal hihigpitan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Seguridad sa mga bus terminal hihigpitan
Ayon kay PNP-SOSIA Chief PBGen. Gregory Bogñalbal, maglalabas sila ng panibagong direktiba sa mga security guards na paigtingin pa ang isinasagawang pagbabantay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa loob ng mga terminal.
Release / Metro Manila Development Authority

Sa naganap na bus shooting

MANILA, Philippines — Kasunod nang naganap na pamamaril sa loob ng Victory Liner Bus noong nakaraang linggo sa Carranglan, Nueva Ecija ay maghihigpit ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) Supervisory Office for Security and Investigation Agencies  sa mga bus terminal.

Ayon kay PNP-SOSIA Chief PBGen. Gregory Bogñalbal, maglalabas sila ng panibagong direktiba sa mga security guards na paigtingin pa ang isinasagawang pagbabantay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa loob ng mga terminal.

Sinabi ni Bogñalbal na bahagi ng paghihigpit ay maiwasang maulit ang insidente ng brutal na pamamaril sa mag-live in na sina Gloria Mendoza Atillano at ­Arman Bautista na binaril ng malapitan sa ulo ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Inaasahan ang pag­dagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong panahon ng Kapaskuhan at kailangang alerto ang mga guwardiya­ laban sa mga kahina-hinalang indibidwal at grupo na magsasagawa ng pananamantala.

Kabilang na rito ang mandatoryong pag-iinspeksyon sa mga bagahe ng mga pasahero at paggamit ng mga metal detector at canine sniffing dogs.

Nagbabala ang PNP SOSIA sa lahat ng security guards na mapapatunayang nagkaroon ng pagkukulang at kapabayaan sa pagpapatupad ng seguridad sa mga terminal ay pagmumultahin mula P10,000 hanggang P100,000 ang ipapataw kung saan maaari pa silang masibak sa serbisyo.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with