^

PM Sports

Secretary nagdomina sa Filly Mile race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos nag-ensayo lang ang Secretary nang angkinin ang titulo ng MARHO Breeders’ 3-Year-Old Filly Mile race na inilarga noong Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Paglabas ng aparato ay biglang kumaripas ang Secretary papunta sa unahan para hawakan kaagad ang dalawang kabayong agwat sa humabol na Make Or Break, Winner Parade at Sister Moon.

Kinapitan ang Secretary ng Winner Parade sa ka­lagitnaan ng karera pero pagsapit ng far turn ay na­kaungos na ng apat na kabayo ang winning horse.

Kaya naman papasok ng huling kurbada ay halos mag-isa na lang na tumatakbo ang Secretary, umabot pa sa anim na kabayo ang bentahe sa rektahan.

Tinawid ng Secretary ang finish line ng may ma­higit 10 kabayo ang lamang sa pumangalawang Winner Parade, habang tersero ang Sister Moon.

Nirendahan ni Mark M. Gonzales, inirehistro ng Secretary ang tiyempong 1:39.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Ronaldo David ang P600,000 premyo.

Nakopo ng second placer na Winner Parade ang P225,000, habang P125,000 ang napunta sa puma­ngatlong Sister Moon at P50,000 ang inuwi ng Make Or Break na dumating na pang-apat.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with