^

Punto Mo

Probationary na empleyado, puwede bang maging ‘regular by default’?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mayroon po ba tala_gang tinatawag na “regular by default”? Natapos na po kasi ang 6 months probationary period ko noong Agosto pero wala naman akong contract na pinirmahan. May nakapagsabi sa aking okey lang daw iyon dahil “­regular by default” na naman daw ako. Tama po ba ang sabi sa akin? —Ginny

Dear Ginny,

Walang katagang “regular by default” na makikita sa Labor Code pero maari nating ipagpalagay na tumutukoy ito sa sitwasyon kung saan lumipas na ang probationary period at hinahayaan pa rin ang empleyado na magtrabaho.

Sa ganoong kasing pagkakataon ay ipagpapalagay na siyang isang regular na employee ng batas kahit pa hindi ito sabihin ng employer at kahit walang kahit anong kontrata na pinipirmahan ang empleyado ukol sa kanyang regularisasyon.

Kaya kung wala namang sinasabi sa iyo ang employer ukol sa iyong employment status nang matapos ang iyong probationary period at hinayaan ka lamang magtuluy-tuloy sa pagpasok sa trabaho, maituturing ka nang regularized sa ilalim ng batas.

Ang kailangan mo na lang linawin mula sa iyong employer ay ukol sa mga benepisyong natatanggap ng isang regular na empleyado bukod sa mga itinakda ng batas upang alam mo kung ano ba ang mga maari mong asahan bilang isang ganap na regular employee.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with