^

Dr. Love

Paano ang magpatawad?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Ako po si Marion. Alam ko naman na dapat magpatawad kaso sa ngayon, nahihirapan ako dahil umasa ako na lahat ay maayos. Ang hindi ko iniisip ay nangyari nang wala ako sa Pinas.

Siguro natigang ang misis ko kaya ‘yun naghanap ng lalaki.

Naging maingat ako dito sa Qatar, pero ‘yun pala ang misis ko ang unang bibigay. Noon pa pinag-usapan na namin na kailangan ko lang mag-abroad para makaahon kami at mairaos namin ang pag-aaral ng aming mga anak, pero sinira niya ang tiwala ko.

Hindi nga sana ako maniniwala sa mga sabi-sabi kaso may ebidensiya. Buntis siya pag-uwi ko sa Manila. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanila, nagtitimpi pa rin ako.

Lumipat siya ng bahay para hindi malantad sa iba ang ginawa niya. Humihingi siya ng tawad pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko kilala ang lalaki, nakilala lang daw niya sa social media. Ayaw niyang sabihin ang ama ng pinagbubuntis niya.

Sa ngayon, ayoko nang magsama kaming muli. Pero naaawa lang ako sa mga bata. Tatlo ang anak namin. Gusto ko munang umuwi ng probinsiya at isama ang mga bata.

Marion

 

Dear Marion,

Ang pagtuklas ng pagtataksil ay lubhang nakababahalang karanasan, na lumilikha ng ma-tinding ng mga emosyon na maaaring magdulot sa iyo ng matinding galit. Tama ang iyong naging reaksiyon. Naging mahinahon ka.

Ang pagpapahayag ng iyong hangad na maitayo ang inyong relasyon ay maaaring magbigay ng kislap ng pag-asa para sa hinaharap. Gayunpaman, mahalagang ipahayag na ang pagpapatawad ay isang proseso na mangangailangan ng oras at pagsisikap mula sa iyong asawa.

Pero kung hindi mo talaga matanggap, ha-yaan mong managot ang lalaki at ang misis mo sa kanilang maling ginawa.

May pananagutan ang asawa mo sa iyo para sa inyong mga anak at sa batas. Subukan mong humingi rin ng payong legal para maayos ninyo ang lahat.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with