^

Kutob

Nobyembre 21, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Maaaring ngayon makamit ang matagal ng ina-asam-asam. Subalit maging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang mariri--nig. Upang manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – May matanggap na hindi inaasahang regalo o sulat. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na negosyo, kaysa magpabanging-bangin at walang gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 8,19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) –  Ang paghahanap ng walang bakanteng oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Huwag maging ipokreto at kung ano ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Suriin ang baawat payo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Sikapin na kung ano ang magawang tulong ay huwag ipagkait. Darating ang panahon na babalik ito sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan magtrabaho. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Hindi umaayon ang mga bagay-bagay sa gustong mangyari. Hindi makakapag-isip ng maayos. Huwag mabahala, relax! Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at tan.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Wala kang dapat ipag-alala kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa kung gahol na sa oras. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) –   Yayain ang kapatid na mamasyal. Mapagtatantong na matagal na kayong walang bonding. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at gray.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ipaunawa sa kasamahan na hindi mo layunin ang saktan siya. Kundi ang itama ang pagkakamali niya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 40 at mint green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Hindi maiwasang maiyak sa mga mangyaya-ring hindi maganda. Magpakatatag at huwag mawalan ng tiwala sa sarili.  Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at flaming red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with