^

Kutob

Nobyembre 20, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Magkakaroon iba pang oportunidad. Anumang bagay na dapat desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at electric blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) –  Kaligayahan sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasensiya. Pangalagaan ang sarili sa mahalagang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at indigo.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Mahalaga ang pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Ang mga pagkakama-ling nagawa ay aral na hindi na dapat maulit. Magiging maunlad kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Matutuklasan ang gustong malaman. Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Iwasan ang alitan dahil hahantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o mangungutang. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) –   Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Tanggapin ang pagkakamali ng maluwag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at fuchsia.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Huwag ipagwalang bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with