^

Pang Movies

Mark, ginagawang Quiapo ang US para kay Kris

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mark, ginagawang Quiapo ang US para kay Kris
Mark at Kris

Kakaiba ang magmahal ang bise gobernador ng Batangas na si Mark Leviste kay Kris Aquino dahil ginagawa niyang Quiapo ang Pilipinas at Los Angeles, California, USA just to be with her.

Bumalik ng Pilipinas ang young businessman-politician last Nov. 1 in time for All Souls’ Day. Pero bago siya bumalik ng Batangas ay inabutan pa niya sa Amerika ang magkakasunod na pagdalaw kay Kris nina Kim Chiu, ang King of Talk na si Boy Abunda maging ang singer-actress, vlogger at entrepreneur na si Angeline Quinto kasama ang non-showbiz partner nitong si Nonrev Daquina at anak nilang si Sylvio.

Masayang bumalik ng Pilipinas si Mark dahil smooth na naman ang relasyon nila ng ina nina Joshua at Bimby.

Natutuwa rin si Mark sa malaking improvement ng health condition nito at umaasa siya na magtutuluy-tuloy na ito for her and her children na makauwi ng Pilipinas the soonest possible time.

Hindi na siguro maku-question ang tunay na pagmamahal ni Mark kay Kris dahil nakahanda itong magsakripisyo alang-alang sa kanyang kasintahan. At si Mark lamang ang naglakas ng loob na ligawan ang bunsong anak ng yumaong dating Pangulong Cory Aquino at dating senador Ninoy Aquino kahit may pinagdadaanan ito na may kinalaman sa kanyang health condition.

Matagal nang annulled ang marriage ni Kris sa kanyang ex-husband na si James Yap maging si Mark sa kanyang ex-wife na si Ann kaya walang magiging balakid sakaling naisin ng dalawa na magpakasal balang araw.

Pamilya ni Joey, patuloy na nananawagan ng tulong

Nakaburol ngayon sa St. Peter Chapels along Scout Chuatoco in Quezon City ang mga labi ng theater, movie and TV actor-comedian na si Joey Paras na sumakabilang-buhay last Sunday, Oct. 29, sa edad na 45.

Pero patuloy pa ring nangangalap ang kanyang iniwang pamilya ng financial help para sa unpaid hospital bills nito maging sa funeral service ng actor-comedian.

May kinalaman sa puso ang ikinamatay niya na isa ring playwright, screenplay writer, director at dating TV host.

Alessandra, ididirek si Empoy

Hindi ikinakaila ng award-winning actress-turned writer, director at producer na si Alessandra de Rossi na espesyal umano sa kanya sina Piolo Pascual at Empoy Marquez, dalawang actor na itinuturing niyang best friends niya in showbiz.

Unang nagkalapit sina Alessandra at Piolo nang magkatrabaho sila sa pelikula ni Lav Diaz nung 2016, ang Hele sa Hiwagang Hapis na sinundan sa pelikulang Kita Kita na pinagtambalan nina Alex at Empoy under Spring Films na pinamumunuan mismo ni Piolo. Ang nasabing pelikula na unang tambalan nina Alex at Empoy nung 2017 at dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo ay kumita sa takilya ng P320M, making the movie the highest-grossing indie film of all time.

At dahil din sa nasabing pelikula ay biglang na­ging in-demand ang dalawa sa kanilang magkahiwalay na solo projects although muli silang nagsama sa pelikulang Walang KaParis which was shown this year.

Sina Alex at Empoy ay may gagawin ding weekly sitcom sa Net25, ang May for Ever na nakatakdang mapanood sa ere simula sa Enero 2024.

Plano ni Alex na idirek sa pelikula si Empoy na silang dalawa rin ang mga pangunahing bituin.

vuukle comment

MARK LEVISTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with