^

Police Metro

Manibela nagkasa ng 3 araw na tigil-pasada

Angie dela Cruz - Pang-masa
Manibela nagkasa ng 3 araw na tigil-pasada
Commuters wait for alternative modes of transportation along Aurora Boulevard in Cubao, Quezon City as public utility jeepneys (PUJs) are rarely seen due to the three-day transport strike on July 24, 2023.
Photos by Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sa pagtatapos ngayong araw ng 3 araw na tigil-pasada ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators -Nationwide (PISTON) ay sisimulan naman ngayong araw ng Grupong Manibela, ang 3 araw na tigil-pasada.

Ang pagkasa ng tigil-pasada ng 150,000 miyembro ng Manibela ay upang tutulan ang PUV modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng Manibela, simula ngayong Miyerkules ang unang araw ng kanilang tigil-pasada na magtatagal hanggang Biyernes.

Anya, pinapaniwala lamang ng Land ­Transporta­­tion­­ Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na walang phase out sa mga pampasaherong sasakyan lalo na sa mga tradisyunal na jeep sa kabila na patuloy ang pagpupursigi ng pamahalan na maisulong ang PUV modernization.

Magugunita na ang grupong PISTON ay una nang nagsawa ng tigil-pasada simula noong Lunes upang ipatigil ang PUV consolidation na inisyal na hakbang ng LTFRB para sa modernization program ng mga passenger vehicles at ang pagbabalik sa kanila ng 5 year franchise ng mga sasakyan.

vuukle comment

PISTON

TIGIL-PASADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with