^

Dr. Love

Magde-debut na brokenhearted

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Layla. Kung kailan magde-debut ako, dun pa kami nagkaroon ng problema ng bf ko.

Everything is going smooth na sana, kaso…may hindi na makakasama sa debut ko. Siya naman ang may kasalanan. Sinabi ko na sa kanya na ayoko ng lokohan.

Nitong mga nakaraang araw ang laging chat niya sa akin busy lang. May pinapaasikaso ang papa niya sa kanya.

Pupunta raw siya ng Bacolod hanggang nalaman ko na lang na nasa Tagaytay lang pala siya at nagpapalamig kasama ang tropa niya at bago niyang girlfriend.

Ang hindi ko matanggap sa lahat ng inaasahan kong tao na makaka-appreciate sa pagiging dalaga ko ay siya pang biglang maglalaho.

Ni hindi niya ako kinausap para humingi ng sorry. Sa katropa ko pa nalaman ang gimik niya.

Sayang ang mataas na expectation ko sa kanya. Ang alam ko, siya ang lalaking magbibigay ng lubos na kasiyahan sa akin, pero hindi pala.

Tama lang na nalaman ko na, ngayon pa lang ang mga sikreto niya.

I feel sad about him at sa future na inaasahan ko para sa amin.

After 4 years ng aming relationship ay ganun lang magtatapos…na parang walang naging kami.

Layla

Dear Layla,

Kung sa kabila ng maraming taon na inyong pinagsamahan ay gaya ng kisap-mata lang niyang tinalikuran ang lahat, malinaw na indikasyon ito na hindi siya ang la-laking karapat-dapat sa’yo.

Kaya huwag mong hayaang balutin ng kalungkutan ang mahalagang araw ng iyong debut dahil sa  walang kwentang lalaki na gaya ng boyfriend mo.

Ngayong ganap ka nang dalaga,  mas marami ka pang makikilalang guy na deserve mo.

Tuloy ang debut at huwag mong bigyan ng puwang ang kalungkutan.

Special day ‘yan para sa iyo at i-enjoy mo sa tamang tao. Higit sa lahat, sa pa-rents mo, relatives and true friends mo.

Happy 18th birthday sa iyo!!!

Nawa’y pagpalain ka ng Maykapal at ibigay niya sa iyo ang tamang guy na magmamahal sa iyo ng tapat at hindi ka ipagpapalit sa iba.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with