^

PM Sports

Krusyal ang laro ng San Beda

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang ikatlong sunod na panalo at ang paglapit sa Final Four berth ang misyon ng San Beda University sa pagsagupa sa semifinalist Lyceum of the Philippines University sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament.

Nakatakda ang duwelo ng Red Lions at Pirates ngayong alas-3:30 ng hapon matapos ang upakan ng Perpetual Altas at talsik nang San Sebastian Stags sa ala-1:30 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Solo ng Mapua ang liderato sa kanilang 14-3 record kasunod ang Lyceum (13-4), College of St. Benilde (10-6), San Beda (10-6), Jose Rizal University (10-7), Perpetual (9-8) at mga sibak nang Emilio Aguinaldo College (8-9), San Sebastian (5-11), Letran (2-14) at Arellano (2-15).

Swak na ang Cardinals at Pirates sa Final Four taglay ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa mga uupo sa No. 3 at No. 4.

Nagmula ang Red Lions sa krusyal na 74-69 panalo sa Heavy Bom­bers tampok ang 12 points at 11 rebounds ni James Payosing.

“Hindi pa tapos iyong games namin. Nakadalawang panalo kami and may chance pa kaming makapasok sa Final Four,” sabi ni Payosing sa two-game winning run ng San Beda.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with