^

Pang Movies

Ka Freddie at anak, nagkasundo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maganda namang balita iyong tinanggap na palang muli ni Freddie Aguilar ang kanyang anak na si Maegan sa kanyang bahay. Noon kasi bagama’t nag-uusap naman sila, ayaw patuluyin ni Freddie sa kanyang tahanan si Maegan, matapos ang ilang mga bagay na hindi nila napagkasunduan.

Sana sa pagkakasundo nilang iyan, talagang magbago na si Maegan para malagay na rin sa ayos ang buhay niya. Walang magulang na hindi nag-iisip kung ano ang pinakamaganda para sa kanyang mga anak.

Mga santo, ginagamit na ring pambudol!

Pinag-uusapan na naman ang isang milagro raw ng Mahal na Birhen hindi naman dito sa Pilipinas kundi sa Mexico. Ang payo ng mga lider ng simbahan huwag masyadong maniniwala sa ganyan. Hayaan ninyong imbestigahan muna ng simbahan kung iyan nga ay tunay na milagro.

Isang magandang example iyong sinasabing pagpapakita ng birhen sa isang visionary na kinilalang si Judiel Nieva sa Agoo, LA Union noon. Maraming deboto ang sumusugod doon, pati na rin mga pari at Obispo pa.

Maging si Kuya Germs (German Moreno) ay dumayo noon sa Agoo, nakausap niya si Judiel na nagtanong daw sa kanya kung puwede siyang sumali sa That’s Entertainment.

Matapos ang ilang panahon, lumabas na hindi totoo ang sinasabi nilang milagro. Nadismaya rin ang mga taong nagtungo roon noong araw. Iyong Visio­nary na si Judiel Nieva ay isa na ngayong transgender na singer na ang pangalan ay Angel dela Vega. 

Indie actor, may modus

May ilan kaming kaibigan na nag-tip na may controversy raw ang isang gay male star na lumalabas sa mga indie. At  dahil istorya rin iyon, sinubukan namin siyang hanapin at kausapin. Sumagot naman siya ay inamin niyang may hackers na nakakuha ng kanyang scandal at ikinalat iyon sa social media.

Tapos nagtatanong na siya kung magkano ang ibabayad namin sa kanya kung magpapa-interview siya sa amin. Hindi naman normal na binabayaran namin ang mga ini-interview dahil binibigyan pa nga namin sila ng pagkakataong mailahad ang kanilang panig. Tapos sinabi niyang ipadadala raw niya sa amin ang kanyang sex video at mga nakahubad na pictures pero kailangang bayaran namin iyon ng lima hanggang sampung libo. Nang sabihin naming hindi kami interesado at huwag na niyang ipadala, nagalit siya at sinabing hindi raw kami marunong tumupad sa usapan. Kailangan daw ipadala namin ang pera sa loob ng 20 minuto at kung hindi, ibubulgar niya ang aming usapan, mayroon daw siyang 300K followers sa kanyang social media account.

Papatulan ba namin ang mga scammer na ganyan, sabi nga namin go ahead sino ba ang maniniwala sa kanya, at sino ba ang sira ang tuktok na magbabayad ng limang libo para sa kanyang scandal na gawa-gawa lang naman niya at nakakalat na rin sa social media.

Breakup nina Kim at Xian, ‘di pinag-interesan?!

May isang fan na nagtanong sa amin sa rumored breakup nina Kim Chiu at Xian Lim? Ang tanong nga namin ay may sinabi na ba sila, o may pahiwatig man lang na tinapos na nga nila ang kanilang relasyon?

In the first place, hindi naman namin binantayan kung totoo nga bang mag-syota sila. Ang alam namin sila ang ginawang love team noon ng ABS-CBN pero hindi naman namin nasubaybayan ang kanilang career. Basta nawala na lang iyon nang si Xian ay lumipat sa Viva, at natural hindi na niya kasama si Kim na naiwan sa ABS-CBN.

Hindi rin naman masyadong pinapansin ng mga tao kung may natsismis bang split nila. Parang hindi naman interesado ang maraming tao, hindi kagaya noong si Kim ay nakipag-split kay Gerald Anderson.

vuukle comment

FREDDIE AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with