^

Pang Movies

Jane may bf, ayaw jowain si Janella!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jane may bf, ayaw jowain si Janella!
Jane de Leon at Janella Salvador

Hanggang movies o TV series lang daw ang closeness nina Jane de Leon at Janella Salvador. No more, no less!

Isini-ship ng fans ang tandem nina Janella at Jane lalo na nung masilip nila na bagay silang gumawa ng GL (girls’ love) series. Sinakyan naman ng dalawa ang shipping ng fans na aprub din sa paggawa ng GL series.

Eh recently, lumabas sa social media na gagawa siya ng movie na magkasama. Ito ay ang How To Be A Good Wife na si Jun Lana ang director.

Pero kung payag si Jane na gumawa ng GL, no-no siya sa relasyon sa isang kapwa babae. Rason ni Jane, “May boyfriend ako!”

Kaya umasa na hahantong sa seryosong relasyon ang closeness nina Jane at Janella, huh!

Anyway, isa sa bida si Jane sa episode ng Shake, Rattle and Roll Xtreme ng Regal Entertainment na mapapanood sa Nov. 29 bilang bahagi ng 60th anniversary ng film outfit na sinimulan ni Mother Lily Monteverde.

Philstar bongga ang bagong building!

Bongga ang Star Group of Companies dahil may bago na itong building sa Parañaque! Of course, proud kami na isa kami sa columnists ng PM (Pang-Masa) ng ilang taon.

Nakakatuwang malaman na mula sa Port Area eh nakakita ito ng isang place sa Parañaque kung saan doon na makikita ang sariling building ng Star Group of Companies!

Naku, mahaba-haba ang biyahe ng fashionista naming editor na si Miss Salve A., huh! Kaya mo ‘yan! Again, congratulations!

(Hahaha. Salamat po. Mahal po namin ang QC kaya sa office ng Business World - No. 95 Balete Drive Extension, New Manila, Quezon City - kami inilipat. – Salve)

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with