^

Metro

Grupong Manibela, nagkasa rin ng 3-araw na tigil pasada

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Grupong Manibela, nagkasa rin ng 3-araw na tigil pasada
Ang transport group na Manibela makaraang magsagawa ng kilos-protesta sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City kahapon kung saan inihayag din nila ang ikinakasa nilang tigil-pasada sa darating na Lunes (Oktubre 16 ).
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagkasa na rin ng tigil-pasada ang transport group na Manibela upang tutulan ang PUV modernization ng pamahalaan.

Ayon kay Mar Valbuena, Pangulo ng Manibela simula ngayong Miyerkules  (Nob. 22 ) at magtatagal nang hanggang Biyernes,  Nob. 24  ang tatlong araw nilang transport strike para tutulan ang mo­dernisasyon sa public transportation.

Ayon kay Valbuena,  kung hindi palalawigin ang naturang deadline ay magiging kolorum na sila pagtuntong ng Enero 1, 2024.

Anya pinapaniwala lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na walang phase out sa mga pamsahalerong sasakyan laluna sa mga tradisyunal na jeep sa kabila na patuloy ang pagpupursigi ng pamahalan na maisulong ang PUV modernization.

Hanggang ngayong araw naman ang itatagal ng ikinasang tigil-pasada ng PISTON.

Binigyang diin ni Mody Floranda, Pangulo ng transport group na Piston na patuloy silang magsasagawa ng pagkilos hanggat walang malinaw na tugon ang LTFRB sa kanilang kahilingan para sa kapakanan ng maliliit na driver at operator sa bansa.

vuukle comment

MODERNIZATION

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with