^

Police Metro

Ex-Davao Oriental mayor todas sa pamamaril

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating alkalde sa bayan ng Cateel sa lalawigan ng Davao Oriental ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang gunman habang nasa loob ng kanyang sasakyan, kahapon ng umaga sa Buhangin, Davao City.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Giselo ­Velasco Castillones, dating mayor bayan ng Cateel mula 1983 hanggang 1986.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-10:10 ng umaga ay lumabas na ang biktima sa isang fast food chain at nang makasakay sa kanyang kulay gray Mitsubi­shi Expander, nilapitan ng gunman at walang kaabug-abog na pinagbabaril ng apat na beses gamit ang caliber-45 pistol.

Nasugatan din ang driver ni Castillones na si June Castro, at isang Alma Lozentes, 57, trader at residente sa Brgy. San Rafael, bayan ng Cateel.

Nang masiguro ng gunman na napatay ang biktima ay agad na tumakas sakay ng motorsiklo.

Rumesponde ang mga operatiba ng Central 911 at nadatnan na nilang patay si  Castillones habang ang sugatan na driver ay dinala sa  Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Nabatid sa website ng bayan ng Cateel na si Castillones ay nanalong vice mayor noong 1982, subalit naupong mayor noong 1983 dahil sa succession.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with