Estudyante todas sa bumagsak na pader
MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang 20-anyos na estudyante nang mabagsakan ng pader ng isang mall kamakalawa ng gabi sa Balanga, Bataan.
Kinilala ang nasawi na si Jen Orviel Titulo, 20, architecture student ng Bataan Peninsula State University at residente ng Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan.
Sa inisyal na report ni PLt. Colonel Sonia Alvarez, Chief ng Balanga City Police Station kay Bataan PNP Provincial Director PColonel Palmer Tria, alas-6:50 ng gabi nitong Lunes nang mangyari ang aksidente sa transport terminal ng isang mall sa Balanga, Bataan.
Nakapila at naghihintay ng bus patungong Mariveles ang biktima nang maapakan umano ng driver ng bus na si Christopher Poblete, 57, ng Brgy. Gugo, Samal, Bataan ang silinyador ng bus kaya’t umabante at bumangga sa pader na bumagsak sa biktima.
Mahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury, at damage to property si Poblete.
- Latest