^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibu-bully pa kaya?

Pang-masa
EDITORYAL - Ibu-bully pa kaya?

NAGKAUSAP na sina President Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping tungkol sa mga nangyayari sa West Philippine Sea (WPS). Dumalo si Marcos sa Asia Pacific Economic Co­operation Summit (APEC). Sabi ni PBBM, kabilang sa pinag-usapan nila ang pagbangga ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard habang nag-eeskort sa barkong maghahatid ng supply sa mga sundalong naka-station sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Pinag-usapan din daw nila ang isyu sa mga ma­ngingisdang Pinoy na laging itinataboy ng Chinese militia vessel sa Panatag Shoal at may pagkakataong binobomba ng tubig at may binabangga. Sinabi pa umano ni PBBM sa Chinese President na hindi dapat sinasaktan ang mga mangingisdang Pinoy. Napagkasunduan daw nila ni Xi na dapat mabalik ang dating sama-samang pangingisda ng mga Pilipino at Chinese.

Bagamat hindi na inilahad pa ang ibang napag-usapan, malinaw na naipabatid ni PBBM kay Xi ang mga nangyayari sa WPS. Sabi ni PBBM, kailangan pa ang mga komunikasyon para maresolba ang mga nangyayaring tensiyon sa WPS. Ayon sa Presidente, nananatili pa rin ang problema, pero naniniwala siya na lubusang nabatid ni Xi ang mga ipinaabot niya rito. Sabi pa ng Presidente, naniniwala siyang magkakaroon ng pagbabago sa nangyayari sa WPS.

Harinawang mangyari ang iniisip ni PBBM makaraang mag-usap sila ni Xi. Sana, hindi na maulit ang pagbomba ng tubig at pagbangga ng CCG sa PCG. Hindi na rin sana maulit ang pakikipagpatintero ng PCG sa CCG at sangrekwang militia vessels habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre. Hindi na rin sana maulit ang pag-laser gun sa mga miyembro ng PCG na muntik nang ikabulag ng mga ito.

Higit sa lahat, hindi na sana itaboy ang mga ­mangingisdang Pinoy sa Masinloc. Dahil sa ginagawang pagtataboy, maraming mangingisdang Pinoy ang nagdaranas ng kagutuman. Ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay ay pinagkakait ng China.

Isang araw makaraang mag-usap sina PBBM at Xi, ipinasya ng mga mangingisdang Pinoy sa Masinloc, Zambales na bumalik sa Panatag Shoal para mangisda. Matagal na umanong hindi sila nakakapangisda sa Bajo de Masinloic dahil sa ginagawang pambu-bully ng mga Chinese militia.

Kahapon, muling pumalaot ang mga mangingisda at nagtungo sa Panatag. Wala pang balita kung hinarang sila at ginipit ng Chinese vessels. Ayon sa grupo ng mga mangingisda, layunin nila sa pagpalaot na matesting kung nagbunga ang pakikipag-usap ni PBBM kay Xi. Habang sinusulat ito, wala pang insidente ng pambu-bully at mapapatunayan ito sa isasagawang resupply mission sa mga darating na araw.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with