^

Police Metro

Dugo, buhok sa SUV match sa ‘missing beauty queen’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Dugo, buhok sa SUV match sa �missing beauty queen�
Ang inabandonang Honda CRV na pinagsakyan ng tatlong armadong lalaki sa beauty queen finalist na si Catherine Camilon na hanggang ngayon ay na-wawala.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Nag-match sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon ang mga nakuhang dugo at buhok sa abandonadong pulang SUV sa Batangas.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr., matapos magtugma ang kinuhang DNA ­profile sa ina ni Camilon sa nakuhang mga hibla ng buhok at dugo sa inabandonang SUV sa Batangas City na nakita ng mga saksi habang binubuhat at inililipat.

Ayon kay Caramat, base ito sa inilabas na resulta ng PNP Forensic Group kahapon matapos ang isinagawang nilang test nitong nakaraang Linggo.

Sa panibagong kaganapan ay lalong lumakas ang kaso ng pulisya laban sa mga suspek dahil tumibay ang pahayag ng mga saksi at nagtugma ang mga ebidensya sa kanilang mga pahayag hinggil sa pangyayari.

Subalit kailangan pa umano ng pulisya na magdagdag ng ­karag­­dagang ebidensya na makakapagdiin sa mga suspek.

Matatandaang kama­kailan ay nakuha ang kulay pulang Honda CRV na inabandona sa ilang na lugar sa Barangay Dumuc­lay, Batangas City.

Sa pagsisiyasat ng Forensic Group ay nakakuha ng 17 hibla ng buhok at 12 patak ng dugo sa nasabing SUV na agad iprinoseso para sa DNA test  at nag-match sa nawawalang si Camilon.

Nauna nang sinampahan ng kasong kidnapping and serious detention ang mga suspek na sina Police Major Allan de Castro, na umano’y karelasyon ni Camilon at ang drayber bodyguard nitong si ­Jeffrey Magpantay, na kinilala ng dalawang saksi na nanutok ng baril sa kanila nang hindi sinasadyang nasaksihan nilang binubuhat ng dalawang lalaki ang isang duguang babae at inililipat sa kulay pulang CRV. May dalawa pang John Does sa kaso.

vuukle comment

CATHERINE CAMILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with