^

Police Metro

Drivers ng mga sasakyang may plakang ‘8’, huhulihin na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakda nang hulihin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga driver ng mga sasakyang may plakang ‘8.’

Ito’y matapos na magkausap sina MMDA Chairman Armando Artes at House Secretary General Reginald Velasco, kamakalawa ng gabi at kinumpirma  na ang mga nakalabas na plakang ‘8’ ngayon ay paso na at wala pa rin aniya silang iniisyung bagong “special plates” para sa mga mambabatas.

Tiniyak rin ni Velasco kay Artes na hindi nila kukunsintihin ang paggamit ng mga hindi otorisado at ilegal na espesyal na plaka dahil ito ay banta sa public safety at nagpapahina sa integridad ng vehicle registration system.

Magugunita na ilang sasakyang may plakang 8 ang nasita ng mga tauhan ng MMDA matapos na dumaan sa EDSA Bus Carousel.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with