^

True Confessions

Dioscora (254)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPAUBAYA na lamang si JC sa gustong mangyari ni Mam Dioscora. Hindi siya makatutol sapagkat pakiramdam nga niya ay may nakalukob sa kanyang ibang katauhan.

Si Nicodemus kaya?

Sinasabi ni Mam na malaki ang pagkakatulad niya at asawa nitong si Nicodemus. Malaking-malaki ang pagkakatulad—maski raw sa itsura at mga kilos. At pati raw sa pagpapaligaya ay nakuha rin niya.

Kaya naiisip ni JC, iyon ang malaking dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Mam. Nakita ni Mam ang kaanyuan, kilos at pag-uugali ng yumaong asawa kay JC. Iyon ang dahilan kaya siya minahal ni Mam.

Pero bakit ngayon lang ito sinabi ni Mam sa kanya? Bakit hindi noon?

At si JC na rin ang sumagot sa sariling katanungan, hinayaan siya ni Mam na maging malaya munang gawin ang mga gusto—magpasya at iba pa. Hindi ipinahalata ang damdamin.

Hindi nahalata ni JC na mayroong tinatago si Mam. Magaling magtago ng damdamin si Mam.

Maya-maya may ibinulong si Mam kay JC.

“Sa kuwarto na tayo, JC.’’

Sunud-sunuran si JC sa anumang sabihin ni Mam.

Ang kasunod ay ang hindi malilimutang sandali nina JC at ni Mam mismo. Napatunayan ni JC na talagang mahal siya ni Mam—walang katulad na pagmamahal. Dama ni JC ang init ni Mam sa buong magdamag.

KINABUKASAN, nakayakap si Mam kay JC.

“Magsama na tayo JC. Gusto ko lagi na tayong magkasama.’’

“Bakit?’’

“Ayaw kong mawala ka sa akin.’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with