^

Dr. Love

Crush ang online classmate

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Arwen. Senior high student po ako sa Maynila.

Ang hirap ng online, crush ko ang klasmeyt ko pero hindi ako makaporma dahil hindi ko siya makausap ng personal.

Inspired talaga ako, kahit online class lang dahil gustung-gusto kong marinig ang boses ni Michelle. Ang malambing na boses niya ay tugma sa ganda ng mukha niya. Wish ko lang na hindi na online ang subject namin. Kasi hindi na matahimik ang kalooban ko.

Minsan, sinubukan ko na siyang i-chat para mapansin naman niya ako. Pero parang hindi pa yata niya nababasa ang gusto kong ipahiwatig sa kanya. Iniisip ko na magsadya sa bahay nila. Pero kulang ang lakas ng loob ko. Isa pa, may kalayuan ang lugar nila sa amin.

Ang plano ko ay sikapin na mapalapit sa kanya kahit online lang muna. Ngayon ko lang po naramdaman ang ganitong excitement sa buhay ko, Dr. Love. Kahit iniisip ko lang siya, kinilikig na ko.

Maraming salamat po, nabigyan ninyo ako ng pagkakataon na mailathala ang liham ko.

Arwen

Dear Arwen,

Karaniwan sa nagbibinatang gaya mo ang makaranas ng ganyang klase ng paghanga sa isang babae.

Natutuwa akong isipin na positibo ang dulot na inspirasyon ng iyong online classmate sa’yo. Dahil makakabuti sa’yo ang maging excited sa iyong klase.

Sang-ayon ako sa plano mo na maging malapit muna kay Michelle kahit online lang para magkapalagayan kayo ng loob. Ok, rin ang ganon para mas makilala mo pa siya. Kapag ok na ang connection ninyo, saka mo simulan na dumiga para dalawin siya sa kanilang bahay. Sa kabila ng lahat ng excitement, keep in mine na pag-aaral ang iyong priority para mas maging secure ang iyong future.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with