^

Pang Movies

Boy, na-disqualify sa Miss U dahil sa interview kay Michelle!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Boy, na-disqualify sa Miss U dahil sa interview kay Michelle!
Michelle Dee at Boy Abunda

Kinumpirma ni King of Talk Boy Abunda na naimbitahan siyang maging judge sa Miss Universe 2023 subalit na-disqualify siya. “Ako’y inimbitahan, but I was also disqualified from judging this year’s Miss Universe dahil po I did an interview with one of the candidates, si Michelle Dee,” sabi ni Tito Boy sa The Talk segment sa episode ng kaniyang show na Fast Talk with Boy Abunda.

Bawal daw ‘yun sa rules ng Miss Universe.

Matatandaan ngang nainterbyu ni Kuya Boy si Michelle ilang araw bago ito tumungo sa El Salvador para sa Miss U.

Pero okay lang naman daw sa kanya kung hindi man siya naging judge pero natatawa niyang sey, “I was really gonna vote for Michelle whatever happens.”

Nai-imagine nga rin daw niya kung gaano kahirap maging judge sa nasabing beauty pageant.

“I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy, Michelle got to the Top 10,” aniya.

Andrea, inaming minalas ang puso ngayong 2023!

Para kay Andrea Brillantes, ang 2023 ang itinuturing niyang pinakamalas na taon niya sa pag-ibig pero pinakamaswerte naman daw siya pagdating sa pagmamahal ng mga kaibigan, fans at mga katrabaho.

Sa interview ni Luis Manzano kay Andrea para sa vlog nito ay natanong ng TV host ang aktres kung ano ang highlight ng kanyang 2023.

“To be honest, ‘yung heartbreak ko,” sabi ni Andrea.

“Honestly, tinitingnan ko ‘tong 2023 as pinakamalas ko sa pag-ibig. In terms of romantically. Pero pinakaswerte ko rin sa pag-ibig sa fans, sa friends, sa co-stars ko, sa casual viewers ko, sa management ko.

“Oo as in, ito po talaga ang pinakamalas ko sa pag-ibig romantically pero grabe naman ‘yung balik ng love sa akin sa life itself.

“Sa pagta-travel ko, sa brand ko sa makeup ko sa Lucky Beauty, sa fans ko, sobrang grabe naman ‘yung sukli,” pahayag ng aktres.

Matatandaang noong nakaraang Mayo ay nag-break sina Andrea at basketbolistang si Ricci Rivero.

Natanong din ni Lucky si Andrea kung ano ang hinahanap niyang qualities sa isang lalaki kung sakaling magmamahal siya ulit.

Sagot ni Andrea, “loyal, maalaga, gentleman, marespeto, totoong lalaki. ‘Yun na lang hinihiling ko.”

Paliwanag niya, “kasi, a real man, I believe, they know how to settle, alam nila kung paano makuntento sa isa at isa lang talaga. Gusto ko ng one-woman-man.”

Dagdag pa niya, “ang totoong lalaki, for me, hindi ‘yan nagsisinungaling talaga. Alam niya kung paano aminin ‘yung katotohanan nang buong-buo. Hindi ‘yung ang dami pang pasikut-sikot na oo, aamin, pero hindi lahat.

“Kung baga, I don’t want a boy. I want a man. That’s what I need. I need a man. Sobrang hectic na ng buhay ko. Kailangan ko ng tunay na lalaki. Saka, hindi ko kailangan ng insecure.”

Bagamat malas siya sa pag-ibig ngayong 2023, marami naman daw siyang natutunan.

“For me, it’s (2023) is the year of growth and learning from my mistakes and pagbabawi, and for me, parang repaying karma, parang ganu’n. Kasi ang daming good karma sa 2023 ko, ang dami ring bad karma.

“I’ve also been very vocal naman na ang dami kong toxic traits before na ngayon, inaayos ko na and tinatanggal ko na,” aniya.

“I’m trying to be a better person everyday as long as God lets me,” sey pa ni Blythe.

 

vuukle comment

BOY ABUNDA

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with