^

PM Sports

Bishop bibinyagan ng Fiberxers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasabak sa unang laban ang reigning champion na Barangay Ginebra kontra sa Converge sa pagpapatuloy ng umiinit na 2023 PBA Commisisoner’s Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Aarangkada ang duwelo sa alas-8 ng gabi tampok ang inaabangang debut ng Gin Kings bilang pinakahuling koponan na sasalang sa import-laden tourney.

Ginebra ang bumuo sa core ng Gilas Pilipinas na nagwagi ng makasaysayang gintong medalya sa Asian Games sa China kaya nabigyan ng mahaba-habang pahinga bago bumalik sa PBA.

Bahagi dito si dating PBA MVP Scottie Thompson at veteran big man Japeth Aguilar pati na rin sila Tim Cone bilang head coach at Ginebra governor Alfrancis Chua bilang team manager.

Kasama rin bilang assistant coaches sina LA Tenorio at Richard del Rosario pati na ang resident import na si Justin Brownlee bilang natura­lized player ng Gilas.

Subalit hindi muna si Brownlee ang magiging kasangga ng Gin Kings ngayon dahil sa wala pang resulta ang imbestigasyon sa kanyang aniya’y pagbagsak sa anti-doping test ng Asiad matapos ang kampeonato ng Gilas.

Hahalili kay Brownlee ang dating karibal na si Tony Bishop, na siyang naging import ng Meralco sa kanilang finals showdown para sa titulo ng 2022 PBA Governors’ Cup na pinagwagian ng Ginebra.

Makakaharap ng Gin Kings ang gutom na FiberXers, sa pangunguna ng top rookie na si Schonny Winston, nagbabalik na si Mac Tallo at import na si Tom Vodanovich, matapos ang 103-84 na debut loss kontra sa Blackwater.

Samantala sa unang laro sa alas-4 ng hapon, mag-aagawan sa liderato ang Magnolia at NorthPort na ngayon ay katabla ang Meralco sa tuktok ng team standings hawak ang pare-parehong 2-0 kartada.

Kinaldag ng Magnolia ang Talk ‘N Text, 110-102, at Phoenix Super LPG, 107-92 habang pinanis ng NorthPort ang Terrafirma, 108-103, at Rain or Shine, 113-103.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with