^

PM Sports

Ateneo, Adamson bawal kumurap

Nilda Moreno - Pang-masa

Patayan sa huling semis slot

MANILA, Philippines — Bawal ng kumurap ang Ateneo Blue Eagles at Adamson University Soaring Falcons dahil wala ng bukas pagkatapos ng laban nila ngayong araw sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na lalaruin sa MOA Arena.

Parehong may 7-7 karta ang Blue Eagles at Falcons kaya naman playoff sila sa No. 4 spot para makumpleto ang Final Four.

Swak na sa semifinals ang University of the Phi­lippines (12-2), La Salle (11-3) at National University (10-4).

Ang mananalo sa pagitan ng Ateneo at Adamson ang makakalaban sa semis ng UP na may tangan na twice-to-beat advantage.

Habang ang No. 2 na Green Archers na may bonus din ay makakasagupa naman ang Bulldogs sa isang semis match.

Inaasahang ibabangga ng Blue Eagles sina Joseph Obasa na nagtala ng career-high 21 points sa nakaraang laban nila at Kai Ballungay.

Sina Mathew Montebon at Cedrick Manzano naman ang magiging pakpak ng Falcons sa opensa sa pagharap nila sa Blue Eagles. 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with