^

PSN Palaro

Ateneo, Adamson bardagulan sa huling semis slot

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iisa ang nasa kukote ng defending champion Ateneo Blue Eagles at Adamson University Soa­ring Falcons, ito’y ang dagitin ang No. 4 spot para makapasok sa Final Four ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament 

Nakatakdang mag­ha­rap ang Blue Eagles at Falcons sa do-or-die game ngayong alas-2 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapos ng Ateneo at Adamson ang 14-game double round robin eliminations na may parehong 7-7 karta at magkasalo sila sa pang-apat na puwesto dahilan para magkaroon ng playoff para makumpeleto ang Final Four.

Ayon kay Adamson U head coach Nash Racela, kailangan nilang maghanda dahil mabigat na laban ang kanilang sasabakan.

“Both of us don’t really have a choice but to play that Wednesday game. It will be nice. It will be tough,” ani Racela. “We’ll just have to study again and prepare for Ateneo.”

Inaasahang ipaparada ng Ateneo sina Joseph Obasa at Kai Ballungay habang ipantatapat ng A­damson sina Mathew Montebon at Cedrick Manzano.

Ang mananalo sa pagitan ng Ateneo at Adamson ay makakalaban sa semifinals ang No. 1 seed University of the Philippines, (12-2) na may tangan na twice-to-beat advantage.

Makakatapat ng No. 2 at may bonus na dala, La Salle, (11-3) ang National University (10-4).

Samantala, dinagit ng Falcons ang Blue Eagles noong magharap sila sa first round elims habang naka-resbak ang huli sa una sa second round. 

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with