^

PM Sports

Aska ibinangon ang Beermen

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Aska ibinangon ang Beermen
Hindi pinan­sin ni SMB import Ivan Aska ang depensa ni Cliff Hodge ng Meralco
PBA Images

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang San Miguel kontra sa Meralco, 93-83, para masikwat ang unang panalo nito sa 2023 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Muntikang masayang ng Beermen ang 21 puntos na kalamangan nito sa first half bago nakabawi sa dulo upang maipagpag ang Bolts tungo sa 10-point win sa pangunguna ng import na si Ivan Aska.

Humakot ng 27 puntos at 13 rebounds sahog pa ang 2 steals si Aska habang may double-double din na 17 puntos at 15 rebounds ang 7-time MVP na si June Mar Fajardo.

Nagdagdag ng 16 at 10 puntos sina CJ Perez at Chris Ross, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor naman ng 2 puntos ang 76th overall pick at Youtube sensation na si Kyt Jimenez sa kanyang inaabangang PBA debut.

Matamis na bawi ito ng SMB para sa 1-1- kartada matapos maubusan ng tagay kontra sa sister team ng Meralco na NLEX sa kanilang unang salang, 117-113.

Nakapagtayo ng maagang 51-30 bentahe ang Beermen subalit naabutan ng Bolts sa 62-66 bago magsanib-puwersa sina Aska, Fajardo, Perez at Ross sa kalmado nilang finishing kick.

Umariba sa 22 puntos, 3 rebounds at 6 assists si Chris Newsome para sa Bolts na ininda ang tahimik na performance ni Suleiman Bramoh Jr. tampok ang 15 puntos, 12 rebounds at 4 assists.

Ito ang unang kabiguan ng Meralco tungo sa 2-1 kartada matapos ang mga panalo kontra sa Rain or Shine, 107-102, at Blackwater, 91-84.

Susugod ang SMB sa Tiaong, Quezon sa susunod na Sabado kontra sa Converge.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with