^

Police Metro

2 sekyu ng iskul, itinumba

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang security guard ng isang unibersidad ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nakabantay sa gate ng eskwelahan, kamakalawa ng gabi sa Silang, Cavite.

Kinilala ang dalawang namatay na sina Marlon Pilinio; at Ron Aldrin Siosa, at kapwa security guard sa Adventist University of the Philippines (AUP), Barangay Puting Kahoy Silang, Cavite.

Sa report ng Silang Police Station, alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa harap ng naturang uni­bersidad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang suspek na nakasuot ng jacket at pagtapat nito sa gate ng unibersidad ay bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas angsuspek patungo sa direksyon ng Santa Rosa bitbit ang ginamit na armas sa krimen.

Kinondena ng AUP ang ginawang pamamaril sa dalawa nilang security guard at nilinaw na walang kinalaman sa pang-araw-araw na ­operasyon ng ­unibersidad.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na motibo at pagkakakilanlan sa suspek para sa agarang ikadarakip.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with